Vince Dizon : Between Noise and Real Work
Minsan kailangan mong patayin ang ingay para marinig ang tunay na trabaho. Sa gitna ng kritisismo, ano nga ba ang sukatan ng serbisyo?

I first met Secretary  Vince Dizon back in 2018, noong groundbreaking ng New Clark City. Chairman pa siya ng BCDA noon, kasagsagan ng Build Build Build under former President Duterte. Maraming duda, maraming tanong—pero natuloy. Fast forward to 2019, doon ginanap ang SEA Games. Proof na minsan, ang sagot hindi sa salita, kundi sa resulta.

 

No Like Awards, Just Real Work: Dizon Speaks

No Like Awards, Just Real Work: Dizon Speaks Clarkfield, Pampanga

Years later, ibang eksena na. Nasa Tarlac kami, umiikot sa mga bypass road projects—may tapos, may hindi pa. Reality check kumbaga. Walang filter, walang script.

 

Pagkatapos ng inspection, naupo kami sa isang porch coffee shop in Clark Pampanga. Walang presscon vibes. Just people talking trabaho.

 

Tinatanong ko siya, “Kamusta, Sec? Sa dami ng batikos ngayon sa social media?”

 

Napangiti siya, parang sanay na.

 

“Kung ang iisipin ko na lang yung mga comments sa akin sa social media… edi wala na akong nagawa, diba?”

 

Simple. Walang drama. Pero may tama.

 

Sa totoo lang, sa panahon ngayon, parang lahat may stage. Lahat may audience. Lahat may image na pinoprotektahan. Pero habang busy tayo sa likes, shares, at comments—naiiwan yung pinakaimportante: yung trabaho.

 

At doon pumapasok si Dizon.

 

Sa bawat briefing, hindi siya yung tipo na umiiwas. Walang “no comment.” Kahit anong ihagis na tanong, sasagutin niya. Minsan direkta, minsan may konting biro—pero laging present.

 

Cabalen pa pala siya. Nung nagpasalamat siya sa Kapampangan, may konting lambing, may konting sincerity. Hindi scripted. Ramdam mo.

 

Pero balik tayo sa mas malaking tanong:

 

Ginagawa ba niya ang trabaho niya?

 

Hindi perpekto ang mga proyekto. May delays, may puna, may reklamo—lalo na sa mga bypass roads na hindi pa tapos. At oo, valid ang frustrations ng tao. Kasi bawat delay, may epekto—sa biyahe, sa negosyo, sa oras ng pamilya.

 

Pero ang punto ni Dizon, hindi ka pwedeng matali sa ingay.

 

“Two years, maybe even less,” sabi niya tungkol sa panunungkulan. “So forget the comments, forget the likes.”

 

Wala namang “Like Awards” sa gobyerno. Walang trophy para sa pinakamaraming followers.

 

Ang tanong: ano ang maiiwan?

 

Kalsada ba na magpapabilis ng byahe ng magsasaka?

Sistema ba na hindi na madaling mabutas ng korapsyon?

Reporma ba na kahit sino ang pumalit, tuloy-tuloy pa rin?

 

Why This Matters to Every Filipino

Why This Matters to Every Filipino

Kasi hindi lang ito tungkol kay Dizon. Tungkol ito sa atin.

 

Sa bawat Pilipino na araw-araw bumabyahe.

Sa bawat magulang na gustong makauwi agad sa pamilya.

Sa bawat negosyo na umaasa sa maayos na daan at sistema.

 

Kung ang sukatan natin ng lider ay ingay sa social media, baka mali ang tinitingnan natin.

 

Pero kung titignan natin ang konkretong resulta—kahit mabagal, kahit may sablay—baka doon natin masusukat ang tunay na serbisyo.

 

Hindi naman kailangan ng perpektong opisyal. Ang kailangan natin, yung nagtatrabaho kahit maingay ang mundo.

 

 

 

Sa huli, hindi likes ang magpapabilis ng kalsada. Hindi shares ang magtatayo ng tulay.

 

Trabaho pa rin.

 

At siguro, yun ang paalala ni Vince Dizon—sa sarili niya, at sa ating lahat.

 

Ikaw, sa dami ng ingay ngayon—ano ba talaga ang sukatan ng “ginagawa ang trabaho”?

 

Angel Faith is a seasoned broadcast journalist and public relations strategist with over nine years of experience in broadcast and digital media. She focuses on travel, living, and people stories that inspire and inform audiences across platforms.

As the President of Central Luzon Balita, the first digital news outfit in Region 3, Philippines, she leads a team committed to credible storytelling and regional empowerment through digital journalism.

For collaborations and media partnerships, contact 0956 439 7000 via Viber, WhatsApp, SMS, or Telegram.

 

Follow for more stories that matter. What are your thoughts? Share them using #angelfaith.

 

#angelfaith #DPWH #BuildBuildBuild #PublicService #PhilippineNews

 

Ms. Angel Faith Danganan serves as the President of Central Luzon Balita and has worked as a broadcast journalist with the news group for less than a decade. Originally from Capas, Tarlac, she actively participates in numerous civic groups and public service initiatives. She took up her Broadcast communication studies at the Polytechnic University of the Philippines (PUP) Manila.

What's your reaction?

Comments

https://www.centralluzonbalita.com/assets/images/user-avatar-s.jpg

0 comment

Write the first comment for this!

Facebook Conversations

Disqus Conversations