views
Ayon sa City Government, agad silang nagsagawa ng initial investigation kasama ang mga technical expert upang alamin ang dahilan ng insidente. Ito na ang ikalawang beses sa loob ng dalawang taon na nagkaroon ng aberya sa water filtration system ng center.
Matagal nang operational at location issues
Sa isinagawang assessment, lumabas na may mga operational issues sa pasilidad, kabilang ang hindi ideal na lokasyon para sa PWDs at mga pasyenteng kinakailangan ng stretcher access. Problema rin ang kakulangan sa parking, na nagdudulot ng dagdag na abala para sa mga pasyente at kanilang pamilya.
Water supply, isa sa pangunahing suliranin
May PrimeWater supply line ang pasilidad at orihinal na may planong magtayo ng deep well, ngunit hindi ito pinayagan dahil maaari umanong makaapekto sa structural integrity ng lugar.
Napaulat ding nagkaroon muli ng pagsabog ng carbon tank, na pinaniniwalaang dulot ng pressure issues sa water system.
Household-grade filtration system, hindi pasado sa dialysis standards
Batay sa imbestigasyon, ang kasalukuyang reverse osmosis (RO) filtration system ng center ay pang-household type lamang at hindi pumapasa sa quality standards para sa ligtas na hemodialysis.
Sa loob ng dalawang taon, dalawang beses nang nagkaroon ng major system failure sa water filtration setup.
Dialysis ordinance, kailangan nang repasuhin
Nakasaad sa kasalukuyang lokal na ordinansa na dalawang sessions per week lamang ang pinapayagan para sa mga “stable” patients. Ayon sa health experts, dapat itong amyendahan dahil mas madalas na sessions ang clinically recommended upang mapanatili ang kalusugan ng pasyente.
May 21 aktibong pasyente ang center, at inaasahang lalago ang bilang kapag na-upgrade ang pasilidad at sistema.
Pasyente, pansamantalang inilipat
Inilipat ang mga pasyente sa TPH Dialysis Center at ilang private facilities. Nagbigay rin ang LGU ng medical at financial assistance upang matiyak na hindi mapuputol ang kanilang dialysis treatment.
Short-term at long-term solutions inilatag
Sa ngayon, isinasailalim sa emergency repair ang nasirang carbon tank at iba pang bahagi ng water system.
Para sa long-term solution, magsasagawa ang LGU ng comprehensive planning at feasibility study para sa pagtatayo ng bagong Hemodialysis Center na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱50 milyon. Nakapag-secure na si Mayor Susan Yap ng pondo mula sa Department of Health (DOH) para sa proyektong ito.
Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod na kaligtasan at kapakanan ng dialysis patients ang mananatiling pangunahing prayoridad, kasabay ng paalala sa publiko na umiwas sa fake news at hintayin ang opisyal na updates ng LGU.
Comments
0 comment